^

PSN Palaro

Azkals bumiyahe na sa Mongolia

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Bagamat nasa panga­nib ay tumuloy pa rin sa kanilang biyahe patungong Ulan Bator, Mongolia ang Azkals mula sa kanilang training camp sa Gotemba, Japan kahapon ng uma­ga.

Ang evening flight sa Ulan Bator via Beijing, China ang siyang pilit na hinabol ng Azkals.

Habang sinusulat ito ay kasalukuyang nasa Narita International Airport, ang koponan matapos sumakay ng bullet train galing sa Gotemba bandang alas-9 ng umaga.

Umaasa rin ang Azkals na muling makakasama sina teammates Simon Great­wich at Jason Sabio na ang mga biyahe mula sa United States ay iniba.

Kamakalawa ay tinamaan ng malakas na lindol at tsunami ang northeastern coast ng Japan.

 Natatakot ang mga team officials na kung hindi nakaalis ang Azkals sa Gotemba patungong Tok­yo sa pamamagitan ng bus at bibiyahe sa bilis na 170 km ay hindi na sila ma­kakaalis.

Halos hindi gumalaw ang trapiko sa Tokyo bu­nga ng naturang trahedya.

Hindi rin mapakali sina Philippine Football Fe­deration president Nonong Araneta at Azkals team manager Dan Palami na nasa Maynila.

Naisip nilang ipagpaliban ang laro ng Azkals at Blue Wolves ng Mongolia na nakatakda sa Marso 15 sa Ulan Bator.

Tiniyak naman ng Azkals sa kanilang mga supporters via Twitter na ligtas ang kanilang sitwasyon.

AZKALS

BLUE WOLVES

DAN PALAMI

GOTEMBA

JASON SABIO

NARITA INTERNATIONAL AIRPORT

NONONG ARANETA

PHILIPPINE FOOTBALL FE

ULAN BATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with