^

PSN Palaro

Patrombon papalo sa finals sa Thailand netfest

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nawawala ang tikas ng paglalaro ni Jeson Patrombon.

Sa ikatlong sunod na asignatura ay namayani pa rin ang 17-anyos na tu­bong Iligan City sa matinding hamon ng kalaban nang iuwi nito ang 7-6(5), 3-6, 6-4 panalo laban sa seventh seed Pedja Krstin ng Serbia sa semifinals ng Chang LTAT-ITF Junior Championship sa Nonthaburi, Thailand.

Bago si Krstin ay nangailangan din ng magandang porma si Patrombon bago naigupo ang hamon nina Paul Monteban ng Netherlands, 6-4, 4-6, 6-4, at Teodor Nicolae Marin ng Romania, 2-6, 6-4, 6-1, upang makapasok na sa finals ng kompetisyon.

Ang titulo ng torneo ay paglalabanan nila ng sixth seed na si Sean Berman ng US na pinagpahinga na ang eight seed na si Stefan Lindmark ng Sweden sa madaling 6-2, 6-2, panalo.

Hinirang na top seed sa kompetisyon dahil sa kanyang pagiging number 10 sa mundo, umabot uli sa mahigit na tat­long oras ang laban pero tulad sa mga nagdaang tagisan ay hindi nagmadali bagkus ay inunti-unti nito ang ginawang paggapi sa katunggali.

“Today was the third consecutive three set match of Jeson and again it went over three hours of tough and long rallies played in very hot and humid weather,” wika ni coach Manny Tecson.

“We are being tested all the way and we are responding to the test very po­sitively,” dagdag pa nito.

Si Lindmark ay number 45 sa mundo pero nagsasanay ito sa Australia kasabay ng national team ng naturang bansa.

vuukle comment

ILIGAN CITY

JESON PATROMBON

JUNIOR CHAMPIONSHIP

MANNY TECSON

PAUL MONTEBAN

PEDJA KRSTIN

SEAN BERMAN

SI LINDMARK

STEFAN LINDMARK

TEODOR NICOLAE MARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with