Smart-Gilas tinagay ang SMB; Painters kontra Texters ngayon
MANILA, Philippines - Isama na ang mga Beermen sa mga koponang pinatumba ng Nationals.
Inilampaso ng Smart-Gilas Pilipinas ang San Miguel, 109-68, upang angkinin ang pangunguna sa elimination round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa The Arena sa San Juan.
Itinaas ng Nationals sa 4-0 ang kanilang baraha kasunod ang Kasalo ng Elasto Painters (3-0), Alaska Aces (3-1), Talk ‘N Text Tropang Texters (3-1), Derby Ace Llamados (2-2), Ginebra Gin Kings (2-2), Beermen (1-3), Air21 Express (1-3), Powerade Tigers (1-4) at Meralco Bolts (0-4).
Samantala, pakay ng Rain or Shine na masikwat ang kanilang pang apat na sunod na panalo sa pakikipagtagpo sa Talk ‘N Text ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska at Derby Ace sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Nanggaling ang Elasto Painters sa 102-92 paggupo sa Tigers at umiskor naman ang Tropang Texters ng 109-106 tagumpay laban sa Bolts.
Ang Talk ‘N Text ang magiging isa sa pinakamabigat na pagsubok para sa Rain or Shine, ayon kay Yeng Guiao.
“We have tough games coming up against Talk ‘N Text and Smart Gilas, so that would be the real test, I think. Not that the teams we beat are weak,” sabi ni Guiao.
Smart-Gilas Pilipinas 109 -- Douthit 17, Barroca 17, Ababou 17, Lassiter 16, Lutz 14, Baracael 7, Aguilar 6, Tiu 6, Casio 5, Ramos 4, Slaughter 0.
SMB 68 - Young 15, Washington 13, Al-Hussaini 13, Salvacion 6, Hubalde 4, Miranda 4, Yeo 4, Ildefonso 4, Baclao 2, Santos 2, Tugade 1, Guevarra 0, Cabagnot 0, Pennisi 0.
Quarters: 18-8, 44-30; 75-41; 109-68.
- Latest
- Trending