^

PSN Palaro

Patrombon pasok na sa semis

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dalawang laro pa at makukuha na ni Jeson Patrombon ang unang mala­king panalo sa taong 2011.

Nasukat man uli laban sa 10th seed na si Teodor Nicolai Marin ng Romania, nagawa pa rin ng number 10 rank sa mundo na si Patrombon na mailusot ang 2-6, 6-4, 6-1, panalo sa quarterfinals ng Chang LTAT-ITF Junior Champion­ships sa Nonthaburi, Thailand.

Kinailangan bumangon din ni Patrombon buhat sa 1-3 pagkakalubog sa se­cond set para manalo at patunayan ang pagiging top seed nito sa Grade I event na ito ng ITF.

Bunga nito, umabante ang 17-anyos netter mula Iligan City sa semifinals at makakalaro ang seventh seed na si Pedja Krstin ng Serbia na pinagpahinga na si Enzo Couacaud ng France, 6-4, 6-2.

Ang mananalo rito ay ma­kakaharap sa finals ang papalarin sa pagitan nina sixth seed Sean Berman ng US at eight seed Stefan Lindmark ng Sweden. 

ENZO COUACAUD

GRADE I

ILIGAN CITY

JESON PATROMBON

JUNIOR CHAMPION

PATROMBON

PEDJA KRSTIN

SEAN BERMAN

STEFAN LINDMARK

TEODOR NICOLAI MARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with