^

PSN Palaro

Julaton sasabayan si Pacquiao sa pagsasanay sa Baguio

-

MANILA, Philippines - Isang title defense ang gagawin ni Ana Julaton sa kan­yang susunod na laban na sinasabing gagawin sa Mayo.

Sa pagbisita ng 30-anyos na kampeon sa WBO at IBA super bantamweight division sa SCOOP sa Ka­mayan kahapon sa Padre Faura, sinabi rin nito ang ha­nga­ring maidaos ang nasabing laban sa Pilipinas upang maipakita sa harap ng kanyang mga kababayan ang ipi­nagmamalaking husay sa ibabaw ng ring.

“I want to stage my next fight before my countrymen. I’m a Filipino by blood and I want to show that to everybody,” wika ni Julaton.

Binanggit naman ng manager-trainer ni Julaton na si Angelo Reyes na ginagawa nila ni promoter AllenTremblay na mapagbigyan si Julaton sa hangarin niyang ma­dala sa Pilipinas ang laban.

“What is definite is Ana will be defending one of her titles soon. What we cannot reveal yet is where it will be held and when,” wika pa ni Reyes.

Sariwa si Julaton sa unanimous decision panalo laban kay Franchester Alcanter nitong Pebrero 25 na ginanap sa Craneway Pavilion, California USA.

Dumating sa bansa si Julaton noong Martes ka­sabay ng batikang trainer na si Freddie Roach na maghahanda naman sa pagsasanay na gagawin nila ni Manny Pacquiao sa Baguio City.

Kasama sa pagdalaw ni Julaton sa bansa ay ang pagdalo sa victory party na handog ng TV-5 na gi­na­nap sa kilalang lu­gar sa Makati kagabi.

Ang TV-5 ang nagpa­labas ng huling laban ni Ju­laton at siya ring ang sinasabing tutulong para maisagawa ang title defense ni Julaton sa bansa.

Dahil sa bandang Mayo nakikita ni Julaton na gaga­win ang susunod na laban, hindi niya iniaalis ang posi­bilidad na magsimula ng pag­hahanda sa bansa dahil isa nga siya sa alaga ni Roach.

“I’m also being handled by Freddie Roach and since Freddie will be here most of the time during Manny Pacquiao’s preparation, I could join them even in Baguio,” wika pa ni Julaton.

Si Julaton ay magtatagal sa bansa hanggang Linggo at babalik na lamang siya ng Pilipinas kung kailanganin na siyang magsimula ng pagsasanay sa Pilipinas.

ANA JULATON

ANGELO REYES

BAGUIO CITY

CRANEWAY PAVILION

FRANCHESTER ALCANTER

FREDDIE ROACH

JULATON

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with