Jeson pasok sa quarterfinals ng LTAT-ITF Juniors netfest

MANILA, Philippines - Napalaban man ay hindi pa rin napigil si Jeson Patrombon sa pag-usad sa mithiing titulo sa Chang LTAT-ITF Junior Championship sa Nonthaburi, Thailand.

Binigyan ng magandang laban ni Paul Monteban ng Ne­therlands ang top seed na si Patrombon na nagawa pa ring ilusot ang 6-4, 4-6, 6-4 panalo.

Dahil sa ikalawang tagumpay ng 17-anyos na tubong Ili­gan City na si Patrombon, nakaabante siya sa quarter­finals at makakatagisan ang 10th seed na si Teodor Ni­colae Marin ng Romania.

Si Marin ay nanalo kay Jordan Thompson ng Austra­lia, 6-3, 6-2.

Matibay pa rin ang paghahabol sa titulo sa doubles ni­na Patrombon at Jaden Grinter ng New Zealand dahil ti­nalo nila sa quarterfinals sina Xin Gao ng China at Wang Chieh-Fu ng Chinese Taipei, 6-1, 6-4.  

Show comments