PSC lumagda ng MOU sa Indonesian Sports Ministry

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbisita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Indonesia, isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Indonesian Sports Mi­nistry.

Ito ang ibinalita kahapon ni PSC chairman Richie Gar­cia sa kanyang pagsa­ma sa naturang biyahe ng Pre­sidente Aquino.

“It’s the cooperation bet­ween two governments with regards to mga sports tech­nology, medical, anti-do­ping, sharing of coaching ex­pertise,” wika ni Garcia.

Bilang kapalit, hiningi na­man ng Indonesia, ma­ma­mahala sa darating na 26th Southeast Asian Ga­mes sa Nobyembre 11, ang tulong ng PSC sa bo­xing kung saan kilala nila si Manny Pacquiao.

“Nakita nila na talagang may­roon tayong world cham­pion Manny Pacquiao,” ani Garcia.

Bukod sa Indonesia, uma­asa si Garcia na ma­kakakuha rin ng tulong at suporta ang PSC mula sa Rus­sia, China, Cuba at Aus­tralia.

Show comments