Heat giniba ng Trail Blazers

MIAMI - Tiniyak ni Erik Spoelstra na patuloy na lalaban ang Miami Heat. Sinabi ni Chris Bosh na kailangan pa niyang magtrabaho nang husto. Tiniyak naman nina LeBron James at Dwyane Wade na mataas pa rin ang kanilang kumpiyansa.

 Ngunit hindi pa rin nagbabago ang Heat.

Umiskor si LaMarcus Aldridge ng 26 points, habang may 22 si Gerald Wallace para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 105-96 panalo kontra Heat.

“We needed that win,” ani Blazers guard Andre Miller.

Tumapos si Wade na may 35 points para sa pang limang sunod na kamalasan ng Miami, nagdagdag naman si James ng 31 points, 11 rebounds at 8 assists.

 Nag-ambag naman si Mario Chalmers ng 10 points para sa Heat, samantalang may 7 points si Bosh mula sa malamya niyang 3 for 11 shooting.

Sa Atlanta, kumana si Kobe Bryant ng 26 puntos at malampasan si Moses Malone sa ikaanim na puwesto sa NBA career scoring list at banderahan ang Los Angeles Lakers sa 101-87 panalo laban sa Hawks.

Sa Phoenix, naglista si Hakim Warrick ng career-high 32 puntos sa kanyang pagpalit sa starting sa injured na si Channing Frye at dominahin ang Houston Rockets, 113-110.

Sa Indianapolis, kinuha ng Philadelphia ang kani-lang ikapitong panalo mula sa walong laro matapos pabagsakin ang Pacers, 110-100.

Sa iba pang laro, nanalo ang Milwauke sa Washingtong, 95-76.

Show comments