^

PSN Palaro

Water Dragons vs Energy Kings sa opening salvo ng D-League

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kaagad na masusubukan ang Maynilad ni head coach Frankie Lim laban sa Cobra Energy Drink ni Lawrence Chongson sa pagsisimula ng 2011 PBA D-League Foundation Cup sa Marso 12 sa San Juan Arena.

 Magtatagpo ang Water Dragons at ang Energy Kings sa ganap na alas-2 ng hapon matapos ang banggaan ng PC Gilmore Wizards ni Richard Del Rosario at RnW Pacific Pipes ni Topex Robinson sa alas-12 ng tanghali.

 Ipaparada ng Maynilad sina San Beda Red Lions Garvo Lanete, Rome Dela Rosa, Dave Marcelo, Elvin Pascual, magkapatid na Fil-Australians Anthony at David Semarad at 6-foot-7 American import Sudan Da­niel.

 Ang Red Lions ni Lim ang nagkampeon sa naka­raang NCAA season matapos agawan ng korona ang dating haring San Sebastian Stags ni dating mentor Ato Agustin.

 Itatapat naman ng Ener­gy Kings ni Chongson, da­ting coach ng University of the East Red Warriors sa UAAP, sina Paul Lee, Toto Bandaying, Arthur Reyes, Joseph Hermosisima, Paul Sunga at Kenneth Acibar.

 Maliban sa Maynilad at Cobra, ang iba pang na­sa Group B ay ang Cafe France, Cebuana Lhuillier, Max! Bond Super Glue. Junior Powerade at FCA Ani, habang nasa Group A naman ang PC Gilmore at RnW Pacific Pipes kasama ang Freego Jeans, Black Water Elite, NLEX at Pha­rex.          

Ang mga koponan ay sasailalim sa isang single round robin format kung saan ang top two teams ang papasok sa quarterfinals, habang ang No. 6 at 7 squads ay maglalaro sa isang knockout match.

ANG RED LIONS

ARTHUR REYES

ATO AGUSTIN

BLACK WATER ELITE

BOND SUPER GLUE

CAFE FRANCE

CEBUANA LHUILLIER

MAYNILAD

PACIFIC PIPES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with