^

PSN Palaro

MPTC-Nlex Road Warriors palaban sa PBA D-League

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kung may isang koponan na hindi maaaring bi­ruin sa bagong bubuksang liga na PBA Developmental League (D-League), ito’y ang MPTC-Nlex Road Warriors na hahawakan ni PBA champion coach Boyet Fernandez.

“Loaded ang team na ito sa lahat ng posisyon. We have five Fil-Ams and other players from Ateneo, San Sebastian, San Beda and UP forming this team. Walang problema sa talent, jelling na lang ang kaila­ngan,” wika ni Fernandez sa panayam nang pormal na ipinakilala ang Road Warriors nitong Lunes ng gabi.

Sakay ang motto na ‘Fear No Man, Yeild no Ground’, ang mga pambatong collegiate players na sina Eric Salamat, Calvin Abueva, Ronald Pascual, Ian Sangalang at John Raymundo ang mangunguna sa koponan.

Ang mga Fil-Ams ay sina Cody Tesoro, Karl Matthew Dehesa, Christopher Allan Ellis, Christian Reyes at Clifford Marion Hodge habang ang mga Meralco players na ipinahiram ay sina Rogemar Menor at Clifford Arao. Sina Jaypee Belencion ng Letran, Woody Co ng UP at 6’7’ Eric Suguitan ang kukumpleto sa 15-manlalaro.

Idinagdag pa ni Fernandez na siya ang mismong pumili ng mga manlalarong bubuo sa koponan kaya’t kumbinsido siyang hindi na mauulit ang tinamong kabi­guan nang hinawakan ang UP Maroons sa UAAP.

Hindi nakatikim ng panalo ang Maroons sa 14 na laro at 0-11 dito si Fernandez na naunang itinalaga bi­lang consultant pero naupo bilang head coach matapos ang 0-3 start ni Aboy Castro.

ABOY CASTRO

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CHRISTIAN REYES

CHRISTOPHER ALLAN ELLIS

CLIFFORD ARAO

CLIFFORD MARION HODGE

CODY TESORO

DEVELOPMENTAL LEAGUE

FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with