^

PSN Palaro

Training ng Azkals sa Japan makakatulong sa pagharap sa Mongolia

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Inaasahan ni German coach Hans Michael Weiss na malaki ang maitutulong ng pagsasanay ng Philippine men’s football team na Azkals sa Gotemba, Japan para masanay sa malamig na klima ng Mongolia.

“The weather in Gotemba, Japan is the same in Mongolia,” pagkukumpara ni Weiss, iginiya ang Azkals sa 2-0 panalo sa Blue Wolves ng Mongolia sa eliminations ng 2011 AFC Challenge Cup noong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

 Magsasanay ang Azkals sa Gotemba hanggang Marso 12 bago dumiretso sa Ulan Bator, Mongolia para sa kanilang ikalawang sunod na paghaharap ng Blue Wolves sa Marso 15. Aabante ang Azkals sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup kung hindi sila tatalunin ng Blue Wolves ng tatlo o higit pang goals.

“Huwag natin silang (Blue Wolves) i-underestimate,” ani co-team captain Emilio “Chieffy” Caligdong, ang ikalawang Azkal na nagbida laban sa Blue Wolves bukod kay Phil Younghusband. “Siguro kasi malaking bagay ‘yung home crowd.”

Sakaling makapasok sa group stage, makakaharap ng Azkals, tinalo ang dating kampeong Vietnam sa quarterfinal round ng nakaraang AFF Suzuki Cup, ang Bangladesh, Myanmar at Palestine sa Marso 21, 23 at 25.

Bago magtungo sa Gotemba, Japan, halos isang linggong nagsanay ang Azkals sa Baguio City kung saan nila tinalo ang Baguio Pinikpikan (9-1) at Benguet Football Club (10-0).

AZKALS

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BAGUIO PINIKPIKAN

BENGUET FOOTBALL CLUB

BLUE WOLVES

CHALLENGE CUP

GOTEMBA

HANS MICHAEL WEISS

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with