^

PSN Palaro

Manatili sa Group 1 sa Davis Cup tie, pupuntiryahin ng Phl Davis Cup team

- Joey Villar -

LAPU LAPU CITY ,Philippines -- Ang pananatili sa Group I ng Davis Cup tie sa Hulyo laban sa New Zealand at ang gintong medalya sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Ito ang nasa isipan ngayon ng Philippine Davis Cup team matapos matalo sa Japan, 1-3, sa katatapos na Asia-Oceania Zone Group I tie dito sa Plantation Bay Resorts and Spa dito.

“Our main goal this year is to keep our place in Group I and win a medal in the Southeast Asian Games,” sabi ni RP coach Chris Cuarto matapos ang 1-3 setback ng Nationals sa Japanese.

Inaasahang kukunin ng Philippine Lawn Tennis Association (PHilta) si Fil-German Marc Sieber.

Si Sieber ang naghari sa 2010 PCA Open.

Samantala, makakalaban naman ng mga Filipino netters sa susunod na Davis Cup tie ang New Zeland na winalis ng Uzbekistan, 4-0.

Magtatapat ang Nationals at Kiwis sa Hulyo.

Ang 22-anyos na kaliwete mula sa Straubing, Germany ang magpapalakas sa koponan ng Philta.

Makakasama ni Sieber sina Fil-Am playing team captain Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey.

Balak rin ng Philta na kunin si top junior netter Jeson Patrombon, kasalukuyang nasa Top 10 ng world junior rankings. Nakapasok si Patrombon sa quarterfinal round ng 2011 Australian Juniors Open.

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP I

AUSTRALIAN JUNIORS OPEN

CECIL MAMIIT

CHRIS CUARTO

DAVIS CUP

FIL-GERMAN MARC SIEBER

GROUP I

HULYO

JESON PATROMBON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with