Yap nahirang na PBAPC PoW

MANILA, Philippines - Sa pagkakaroon ng maraming injuries sa kanilang mga players, si James Yap na ang nagdala sa Derby Ace sa panalo.

Ang two-time Most Valuable Player ang nagbigay sa Llamados ng dalawang magkasunod na panalo sa 2011 PBA Commissioner’s Cup.

Sa mga tagumpay ng Derby Ace sa Air21 at Barangay Ginebra, nagposte si Yap ng mga averages na 23.5 points, 5.5 rebounds, 2.5 assists at 1.0 blocked shot .

“James is slowly getting back to his game-shape so he’s starting to play the way he should be playing,” sabi ni Llamados’ coach Jorge Gallent sa tubong Escalante, Negros Occidental. “He also knows he has to go a step higher due to the injuries of key players.”

Mula sa kanyang dalawang sunod na pagbibida para sa Derby Ace, kinilala si Yap bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Kasalukuyan pa ring may injury sina center Don Carlos Allado at forward Rico Maierhofer, habang hindi pa makakalaro si 6-foot-6 Kerby Raymundo.

Nanggaling ang Llamados sa 0-2 panimula sa torneo. Bago pa man magsimula ang torneo, nagkaroon ng lagnat si Yap.

Umiskor si Yap ng 22 points sa 121-92 panalo ng Derby Ace sa Air21 noong nakaraang Miyerkules, habang tumipa siya ng 25 points sa 96-89 paggupo sa Ginebra noong Linggo.

Show comments