Pancho Villa, Teofilo Yldefonso pararangalan sa SCOOP Century Sports Award

MANILA, Philippines - Mga atletang nagdo­mina sa mga nagdaang de­kada ang makakasama sa gagawaran ng parangal ng Sports Communicators Or­ganization of the Philippines (SCOOP).

Ang SCOOP Century Sports Award ay gagawin sa kalagitnaan ng taon at may 100 atleta ang pararangalan at kasama nga sa mga bibigyan ayon sa pangulong si Eddie Alinea ng Malaya ay mga tulad nina Pancho Villa, Teofilo Yldefonso, Anthony Villanu­e­va, Mansueto Velasco at Ly­dia de Vega-Mercado.

“Sa taong ito ginugunita ang ika-100 anibersaryo sa pagkakatatag ng sports sa bansa kaya’t nararamda­man ng SCOOP na ka­rapat-dapat lamang na ki­lalanin ang mga atletang ti­ningala dahi sa kanilang ibi­nigay sa bansa,” wika ni Alinea.

Si Villa ang unang na­nalo ng world boxing championship noong 1923 sa fly­weight division, habang si Yldefonso ang naghatid ng unang Olympic medal, isang bronze sa 1928 Games sa swimming.

Sina Villanueva at Velasco naman ang nagbigay ng pilak sa bansa sa Olympics na hanggang ngayon ay siya pa ring pinakama­taas na medal­ya na napa­nalunan ng Pilipinas sa pres­tihiyosong sports event.

Si De Vega-Mercado na­man ang una­­ng manlalaro ng bansa na nanalo ng sprint queen title sa Asian Games.

Show comments