Pancho Villa, Teofilo Yldefonso pararangalan sa SCOOP Century Sports Award
MANILA, Philippines - Mga atletang nagdomina sa mga nagdaang dekada ang makakasama sa gagawaran ng parangal ng Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP).
Ang SCOOP Century Sports Award ay gagawin sa kalagitnaan ng taon at may 100 atleta ang pararangalan at kasama nga sa mga bibigyan ayon sa pangulong si Eddie Alinea ng Malaya ay mga tulad nina Pancho Villa, Teofilo Yldefonso, Anthony Villanueva, Mansueto Velasco at Lydia de Vega-Mercado.
“Sa taong ito ginugunita ang ika-100 anibersaryo sa pagkakatatag ng sports sa bansa kaya’t nararamdaman ng SCOOP na karapat-dapat lamang na kilalanin ang mga atletang tiningala dahi sa kanilang ibinigay sa bansa,” wika ni Alinea.
Si Villa ang unang nanalo ng world boxing championship noong 1923 sa flyweight division, habang si Yldefonso ang naghatid ng unang Olympic medal, isang bronze sa 1928 Games sa swimming.
Sina Villanueva at Velasco naman ang nagbigay ng pilak sa bansa sa Olympics na hanggang ngayon ay siya pa ring pinakamataas na medalya na napanalunan ng Pilipinas sa prestihiyosong sports event.
Si De Vega-Mercado naman ang unang manlalaro ng bansa na nanalo ng sprint queen title sa Asian Games.
- Latest
- Trending