Pinoy netters namimiligro
LAPU LAPU CITY, Philippines - Natalo sina Cecil Mamiit at Johnny Arcilla sa kani-kanilang singles matches laban kina Tatsuma Ito at Go Soeda, ayon sa pagkakasunod na naglaglag sa Cebuana Lhuillier Philippines sa panganib sa kanilang Asia-Oceania Zone Davis Cup Group I tie kahapon dito sa Plantation Bay Resorts and Spa.
Yumukod ang 34-anyos na si Mamiit sa 22-anyos na si Ito, 6-4, 6-7 (5), 6-3, 6-7 (3), 9-7, sa loob ng lima at kalahating oras na pinakamahabang laro sa Davis Cup history.
Isang last-minute replacement naman kay Treat Huey, natalo si Arcilla sa world-ranked at Japan’s No. 1 na si , 3-6, 3-6, 3-6, para sa kanilang 0-2 deficit sa Japanese.
“I’m deeply sorry for the result but I felt we played great in most part and I feel I gave a good fight,” sabi ni Mamiit.
Sa nasabing kabiguan nina Mamiit at Arcilla, puwersado ang mga Filipino netters na ipanalo ang kanilang huling tatlong laro.
Kasama rito ang doubles match ngayong araw na magtatapat kina Mamiit at Huey laban kina doubles specialists Takao Suzuki at Hiroki Kondo, pinalitan si Yuichi Sugita sa official drawing of lots noong Huwebes.
- Latest
- Trending