^

PSN Palaro

Bolts nalasing sa SMBeer

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Bago iwanan ang mga Beermen ay nagbigay mu­na si import Ira Brown ng isang panalo.

Isang follow-up basket mula sa mintis ni Arwind Santos sa huling 0.2 segundo ang nagtakas sa 90-89 panalo ng San Miguel laban sa minamalas pa ring Meralco sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

“Breaks of the game lang talaga. Hindi ko nga alam kung paano nangyari ‘yun eh,” sabi ni coach Ato Agustin sa naturang pagtakas ng Beermen, papalitan si Brown sa pagdating ni David Young.

May 1-1 baraha ngayon ang San Miguel katabla ang Air21 Barangay Ginebra, Talk ‘N Text at Po­werade sa ilalim ng Rain or Shine (2-0), Alaska (2-0) at Smart Gilas (1-0) kasunod ang Derby Ace (1-2) at Meralco (0-3).

Matapos kunin ng Beermen ang 73-65 lamang sa pagbungad ng fourth quarter, isang 19-4 atake naman ang ginawa ng Bolts sa likod nina import Tony Danridge, Sol Mercado, Mac Cardona, Gabby Espinas at Asi Taulava para agawin ang unahan, 84-77, sa 5:38 nito.

Huling natikman ng Me­ralco ang lamang sa 89-84 buhat sa split ni Taulava sa 2:43 ng laro kasunod ang dalawang magkasunod na basket nina Santos at Jay Washington para sa 88-89 agwat ng San Miguel, 2:09 rito.

 Nabigong makapuntos ang Bolts at Beermen sa kani-kanilang mga po­sesyon bago ang follow-up ni Brown buhat sa mintis ni Santos sa natitirang 0.2 segundo.

Si Danridge ay papalitan naman ni Nigerian-American Chamberlain Oguchi.

San Miguel 90 - Brown 18, Washington 17, Yeo 13, Cabagnot 12, Al Hussaini 10, Santos 10, Miranda 5, Salvacion 3, Ildefonso 2, Baclao 0, Hubalde 0.

Meralco 89 - Danridge 23, Cardona 19, Taulava 13, Espinas 12, Mercado 11, Hugnatan 11, Weinstein 0, Ross 0, Aljamal 0, Aquino 0.

Quarterscores: 26-25, 51-46, 71-65, 90-89.

AL HUSSAINI

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

ASI TAULAVA

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

DAVID YOUNG

MERALCO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with