Ph-Japan Davis Cup tie live sa Channel 41
MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na pagsasaere ng pagdedepensa ni Ana Julaton sa kanyang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight title, ihahatid naman ng Aksyon TV UHF Channel 41 ang Philippines-Japan Davis Cup tie ‘live’ mula sa Plantation Bay Resort & Spa sa Cebu City.
Itatampok sa naturang tennis event sina Cecil Mamiit, Treat Conrad Huey, Johnny Arcilla, Vicente Elberto Anasta at alternate John Patrick Tierro laban sa Japan na pangungunahan ni Go Soeda, ranked 108th sa men’s singles, sa isang best-of-five series sa opening round ng Asia-Oceania Group 1 zone.
Ang Aksyon TV Channel 41, ang unang non-stop news and sports channel sa free tv, ang magbibigay ng live telecast ng mga laro simula ngayong alas-10 ng umaga sa opening singles at reverse singles.
Ang live airing ng Philippines’ Davis Cup match kontra Japan ay kauna-unahan matapos ang ilang taon sa isang premier international team meet sa men’s tennis.
- Latest
- Trending