4-leg badminton tourney kasado na
MANILA, Philippines - Isang bagong badminton ranking tournament na four-leg nationwide series ang hahataw ngayong buwan.
Tinawag na Philippine Badminton Ranking System (PBaRS), ang nasabing circuit ay magtatampook sa mga singles, doubles at mixed doubles events para sa Under-15, Under-19 at Open categories.
Sisimulan ang torneo sa Marso 27 hanggang Abril 3 sa Powersmash sa Makati, habang ang second at third legs ay nakatakda sa Mayo 29 hanggang Hunyo 4 sa Bacolod at sa Hulyo 31 hanggang Agosto 6 sa Davao, ayon sa pagkakasunod.
Ang event, itinataguyod ng MVP Sports Foundation-Goal Pilipinas, Bonanza Corp. at Yonex-Sunrise, ay matatapos sa VP Grand Prix Badminton Open Championships sa Oktubre 22-29 sa Manila.
Maaaring magpatala sa PbaRS office sa 20 E. Maclang St. sa P. Guevarra, San Juan. para sa mga detalye, tumawag sa 725-2568 o telefax 725-4942.
Ang serye ng mga torneo ay initial project ng bagong Philippine Badminton Association sa ilalim nina Vice President Jejomar Binay, sports patron at business tycoon Manny V. Pangilinan at Rep. Albee Benitez sa hangaring maitaas ang antas ng badminton sa bansa kasabay ng pagkakaroon ng tunay na national ranking system.
Sa ilalim ng system, ang PBaRS magbibigay ng malinaw at organisadong sistema para sa mga ranking players sinasabing mga serye kung saan ang mga players ay makakakuha ng ranking points.
Ang classification ng PBaRS tournaments ay ibabase sa prize money ng bawat event, katulad ng P2.5 million (5-star), P1.5 million (4-star), P1 million (3-star), P800,000 (2-star) at P500,000 (1-star).
- Latest
- Trending