^

PSN Palaro

Dehado agad ang LLamados

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Masama na naman ang umpisa ng B-Meg Derby Ace sa PBA Commissioners Cup. Nakalasap kaagad ng dalawang kabiguan ang Llamados upang mangulelat sa unang linggo pa lang ng torneo.

Well, ganito din ang nangyari sa Llamados sa naka­raang Philippine Cup kung saan natalo sila sa unang tat­long games kung kailan tila nangapa si George Ga­llent bilang bagong head coach ng team matapos halinhan si Paul Ryan Gregorio.

Natalo sila sa Talk N Text, Alaska Milk at Air21 para bumagsak agad sa huling puwesto.

Pero siyempre naman understandable ang bad start na iyon dahil sa hindi nila nakasama ang tatlong big men na sina Marc Pingris, Kerby Raymundo at Ra­fi Reavis.

Nang makapag-adjust sila ay rumatsada ang Llama­dos at nakarating naman sa semifinals kung saan natalo sila sa Talk N Text na siyang nagkampeon. So, kahit paano’y okay na rin ang naging pagpupugay ni Gallent bilang head coach sa PBA.

Kung okay ang bad start ng B-Meg noong Philippine Cup, aba’y hindi iyon okay ngayon. Kasi, noong nakaraang conference ay may 14 games sa elimination round. So, mayroong sapat na bilang ng laro upang makagawa ng adjustments at makabalik sa contention.

Pero sa kasalukuyan Commissioners Cup ay may siyam na games lang sa elimination round kung saan pag­katapos ay malalaglag kaagad ang huling apat na teams. Hind tulad ng Philippine Cup na dalawa lang ang nalaglag.

So, mas madugo ngayon! Hindi puwedeng magka­sunud-sunod ang mga kabiguan tulad ng nangyari sa B-Meg Derby Ace.

Sinimulan ng Llamados ang kanilang kampanya noong Miyerkules kung kailan naungusan sila ng Rain or Shine, 95-94. Sa larong iyo ay sumandig sila sa import na si Rob Brown na binigyan nila ng pagkakataong ma­ka­pagpakitang-gilas kahit na dumating na ang kapalit nitong si Shamari Spears.

Okay naman kahit paano ang naging performace ni Brown na nagtala ng 29 puntos, 11 rebounds, dalawang assists at dalawang steals sa 40 minuto.

Pero matapos ang larong iyon ay pinalitan na nga siya ni Spears na siyang naglaro para sa Llamados sa kanilang out-of-town game kontra Powerade sa Min­­danao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte no­ong Sabado.

Siguro nga, sa pananaw ni Gallent ay mas mahusay si Spears. Kasi, mas maganda ang credentials nito. Pero hindi agad sumingasing si Spears kung kaya’t ka­hit paano’y naidikta ng Tigers ang game. Oo’t nakala­mang ng sampung puntos ang Llamados pero madali itong napalis ng Tigers dahil sa sipag ni Russel Carter. At sa dakong huli nga’y nagtagumpay ang Powerade, 103-96.

Hindi pa rin naglalaro sina Raymundo at Reavis pero hindi na puwedeng maging excuse iyon. Sanay na ang Llamados na wala sila, e.

Marahil, ang excuse ngayon ay ang madaliang pag­pa­­­palit ng import at hindi pa nakapag-adjust si Spears sa kanyang mga kakampi dahil sa noong Martes lang ito dumating.

Ang susunod na game ng B-Meg Derby Ace ay la­­ban sa Air21 Express sa Miyerkules. Kailangang ma­­ka­bangon na sila. Pero tila mahirap kalaban ang Express dahil sa mataas ang morale nito matapos na talunin ang San Miguel Beer.

Parang delikado ah!

ALASKA MILK

B-MEG DERBY ACE

CIVIC CENTER

COMMISSIONERS CUP

LLAMADOS

PERO

PHILIPPINE CUP

SHY

SILA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with