MANILA, Philippines - Pahinga si Mac Baracael sa loob ng anim na linggo matapos masaktan ang isang daliri nito sa laban kontra sa Talk N’ Text, 103-98, noong Biyernes sa PBA Commissioner’s Cup.
Ang 6’3 na si Baracael na tumapos taglay ang 12 puntos sa 23 minutong paglalaro ay nagkaroon ng fractured middle finger sa kaliwang kamay matapos hatawin ni Tropang Texters import Paul Harris sa ikatlong yugto.
Aminado si Serbian coach Rajko Toroman na may epekto ang pagkawala ni Baracael sa kampanya ng koponan na ginagamit ang paglahok para makakuha ng karanasan na makipaglaro sa mga malalaki at subok ng manlalaro.
Sunod na kalaro ng Smart Gilas ay ang Alaska Milk sa Biyernes sa Araneta Coliseum at maaari nang maglaro si Japeth Aguilar na nakabawi na sa tinamong left knee injury sa Guangzhou Asian Games.