^

PSN Palaro

PASA palalakasin ang kanilang mga programa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Humugot ng mga tao ang Philippine Aqua­tics Sports Association (PASA) upang makatulong sa pagpapalawig sa programa ng samahan sa iba’t-ibang kapuluan ng bansa.

Pinangalanan ng PASA sa pangungu­na ng pangulong si Mark Joseph sina Elvis Baldonado at Hazel Serag ng NCR, Lando Alvarez at Jo Ruel Galindo ng Vi­sa­yas, Christian Gonzales at Lito Rivera ng Mindanao, Richard Luna ng Northern Luzon, Toto Villanueva ng Central Luzon at Dante Dalabjan ng Southern Luzon upang siyang maging kaagapay ng asosasyon sa kanilang lugar.

Ang pagpangalan sa mga ito ay nangyari kahapon kasabay ng isinasagawang National Youth Team Selection Trials sa Makati Aquatic Center.

“PASA have appointed today the Swi­mming Development Officer (SDO) batch I and they will asist PASA localize our programs and serve as seeds for the information of more PASA based local swimming communities all over the Philippines,” wika ni Joseph.

 Kailangang ikalat ng PASA ang tra­ba­ho dahil lumalaki na ang sakop ng swim­ming sa bansa. Maliban ito sa pa­ngangailangan ng PASA na makatuklas ng mga mahuhusay at batang manlalangoy na hindi nila magagawa ng mag-isa.

“This is a big step in the decentralization of PASA’s administration enpowerment of clubs and coaches in their areas of res­ponsibility. The SDOs are PASA officers whose mandate is to bring PASA programs to the grassroots and deliver programs nationwide,” dagdag pa ni Joseph.

May karapatan ang mga SDOs na magpalaro, magturo at kumuha ng mga karagdagang tao kung kakailanganin upang mas maging epektibo sa kanilang misyon.

 Ito ang unang pagkakataon na ginawa ng PASA ang hakbang na ito at ma­daragdagan pa ang mga SDOs lalo na kung patuloy ang paglaki ng mga swimming groups sa iba’t bang lugar.  

vuukle comment

CENTRAL LUZON

CHRISTIAN GONZALES

DANTE DALABJAN

DEVELOPMENT OFFICER

ELVIS BALDONADO

HAZEL SERAG

JO RUEL GALINDO

LANDO ALVAREZ

PASA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with