^

PSN Palaro

Orcollo vs Feijen sa finals ng world 8-ball

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Inilinya ni Asian Games gold medalist Dennis Orcollo ang sarili para maging ikatlong Filipino pool player na hiranging kampeon sa 2011 World 8-Ball Pool Cham­pionships sa Fujairah Exhibition Center, Fujairah, UAE.

Si Orcollo na ang pinakamagandang ipinakita sa tor­­neong ito ay ang pagkakalapag sa ikatlong puwesto noong 2007 na pinagharian ng kababayang si Ronato Alcano ay nangibabaw sa tatlong katunggali upang ma­ka­abot sa Finals.

Tinalo sa third round ni Orcollo si Shane Van Boe­ning, 9-4, bago isinunod si Takhti Zarekani sa quarterfinals, 9-2.

Kinaharap ng pambato ng Pilipinas si David Alcaide at dala ng mainit na suporta ng mga OFWs na nagtungo sa venue ay nanaig pa rin si Orcollo sa 9-3 iskor.

Ang suporta ng mga Pilipino sa UAE ay tila nakasira sa konsentrasyon ni Alcaide dahil hindi nito nasamantala ang pagkakataon na makuha ang 8th, 9th at 10th rack para mapako ito sa tatlong racks sa race to nine na sagupaan.

Ang makakalaban ni Orcollo na nais na masundan ang yapak nina Efren “Bata” Reyes (2004) at Alcano na nagkampeon sa torneo ay si Niel Feijen ng Netherlands na tinapatan ang mainit na paglalaro ng Filipino player na noong nakaraang taon ay hinirang bilang World Pool Masters.

Nangibabaw si Feijen, pumangalawa noong nakaraang taon nang matalo kay Karl Boyes sa Finals, kina Do Hoang Quan, 9-6, Rodney Morris, 9-2, Filipino bet Oliver Medinilla, 9-4, Nick Van Den Berg, 9-8, at ang US Open 9-Ball champion Darren Appleton sa matinding 9-0 iskor, para makarating uli sa championship round.

Tampok sa tagumpay na ito ni Feijen kay Appleton ay ang pagsungkit sa unang anim na racks sa pamamagitan ng runouts.

Hangad ni Feijen na ipagkaloob sa Netherlands ang kauna-unahang World 8-Ball title matapos magkaroon ng dalawang runner-up na pagtatapos.

Si Van Den Berg ang unang Netherlands player na nakapasok sa finals pero nakontento sa ikalawang puwesto nang matalo kay Wu Chia Ching noong 2005.

 Maglalaban muna sina Appleton at Alcaide para sa ikatlong puwesto at $14,000 gantimpala.

vuukle comment

APPLETON

ASIAN GAMES

BALL POOL CHAM

DARREN APPLETON

DAVID ALCAIDE

DENNIS ORCOLLO

DO HOANG QUAN

FEIJEN

ORCOLLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with