MANILA, Philippines - Bagamat lumulutang ang balitang trade sa pagitan ng San Miguel at Air21, wala pang katiyakan kung mapaplantsa na ito.
“Nope. Nothing yet,” sambit ni Express’ team manager Allan Gregorio kahapon kaugnay sa pagdadala nila kina 2010 PBA Rookie Draft No. 1 Noy Baclao, No. 2 Rabeh Al-Hussaini at No. 3 Rey Guevarra sa Beermen. “I don’t know anything about that, unless there’s something being worked out without our knowledge.”
Ang magiging kapalit nina Baclao, Al-Hussaini at Guevarra ay sina Danny Seigle, Mick Pennisi, Joseph Yeo at isang 2011 first round pick.
Ang naturang two-team, seven-player deal ay dapat pang aprubahan ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud.
Hindi naman aprubado kay balik-coach Bong Ramos, pumalit kay Yeng Guiao na lumipat sa Rain or Shine, ang bagong trade na pinasok ng Air21.
Ang pinakahuling player na hinugot ng Expess ay si Leo Avenido, naglaro sa Barracudas ni Ramos sa ABL, bilang kanilang pang 13th member. (