^

PSN Palaro

P1M pondo ilalaan ng Zambales sa Zamba MultiSports Festival

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Gagamitin ni Governor Hermogenes Ebdane Jr. ang sports para maipakilala ang Candelaria at Zamba­les sa buong Pilipinas.

Pormal na inanunsyo ng dating PNP Chief at DPWH secretary ang ida­raos na tatlong araw na Zamba MultiSports Festival, 2011 mula Marso 18 hang­gang 20 sa isang press conference nitong Miyerkules ng gabi sa Dawal Beach Resort.

 Ipinagmalaki ni Ebdane na ang lugar na pinamumunuan ay tila pinagsamang Boracay, Siargao at La Union dahil magaganda ang mga resort namin at masasabing pinakamalinis ang tubig sa aming lugar. Pero hindi kilala ang Zambales at Candelaria kaya sa pamamagitan ng sports ay nais ko itong ga­mitin para lumakas ang tourismo sa aming lugar,” wika ni Ebdane.

Maglalaan nga ng halos P1 milyong pondo ang local government para maidaos ang tatlong araw ng kompetisyon na inaasahang lalahukan ng kulang 1000 atleta.

Ang mga siklista ang unang masisipat sa Marso 18 sa paglarga ng 120-kilometer road race na sisimulan sa Provincial Capitol sa Sta. Cruz at didiretso sa Iba bago bumalik.      

Hitik sa aksyon ang ikalawang araw dahil may isasagawang sprint duathlon, 2-kilometro open water swim, National Ultimate Frisbee elimination at Bikini Open.

Sa Dawal Beach Resort patungong Potipot Island gagawin ang Open Swim habang sa Uacon Cove na kinatatampukan ng magnetized sand isasagawa ang Frisbee event.

Sa Linggo naman isu­sulong ang BlackSand Triathlon na pangangasiwaan ni Melvin Fausto na siyang may hawak sa grass roots program ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP).  

BIKINI OPEN

CANDELARIA

DAWAL BEACH RESORT

EBDANE

GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

LA UNION

MARSO

MELVIN FAUSTO

NATIONAL ULTIMATE FRISBEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with