MANILA, Philippines - Paiigtingin ng Philippine Aquatics Swimming Association (PASA) ang pagtuklas ng mga bagong mukha para sa Pambansang koponan.
Sa pakikipagtulungan sa Siyudad ng Makati ay magdaraos ng tryouts ang PASA sa mga manlalangoy mula edad 11 hanggang 18 sa isasagawang National Youth Swim Team selection of NYTEST.
Ang kaganapan na isasabay sa pagdiriwang ng Caracol Fiesta sa Makati City ay itinakda mula Pebrero 25 hanggang 27 at gagawin ito sa Makati Aquatic Center.
Makulay ang pagbubukas dahil ito ay nasasabay sa paggunita ng Edsa I anniversary na kung saan isineselebra ang ika-25th taon ng People Power.
“We find the opening day auspicious because it’s the same day that we celebrate 25 years since EDSA I,” wika ni Joseph.
Higit dito, ang masilayan ang mga batang manlalangoy edad 11 hanggang 18 ang isa sa nakakapanabik ani ni Joseph dahil sa hanay na ito lalabas ang mga papalit sa kasalukuyang pambatong swimmers ng bansa.
Ang mga lalabas na mahuhusay na manlalangoy sa tatlong kompetisyong ito ay posible ring masama naman sa 26th SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre 11.
Inaasahang maraming bagong mukha ang masasama sa swimming delegation sa SEAG matapos ang pagreretiro na ni 2007 Best Male Athlete Miguel Molina at ang posibilidad na di na paglangoy ng magkapatid na sina Robert at James Walsh na abala na sa kanilang pag-aaral.