Aparri, Petecio nasa top 10 sa world ranking ng AIBA

MANILA, Philippines - Hindi natatapos ang kam­panya ng Pilipinas kung sa women’s boxing ang pag-uusapan.

Nakita ito nang magpa­labas ng bagong world ranking ang international federation na AIBA sa ha­nay ng mga women’s bo­xers na dalawang Pinay ang nasa talaan na pinakama­husay sa kanilang pinaglalaruang dibisyon.

Sina Alice Kate Apar­ri at Nesthy Petecio ay ka­sama sa unang lima sa pi­naglalaruang 48kg at 54 kg divisions sa rankings na inilabas ng AIBA nitong Pebrero.

Nasa ikaapat na pu­west­o sa mundo si Aparri at ikalawa sa Asia habang si Petecio ay nasa ikapito sa mundo at ikalawa rin sa Asia.

Nangunguna sa 48-ki­lo­gram ay si Mery Kom ng India habang nasa ikalawa si Duta Steluta ng Romania kasunod ni N Hume ng New Zealand.

Number one naman si Aparri sa Southeast Asia at ang pumapangalawa na­man ay si Kyu Thin ng Myanmar.

Nakaungos naman kay Petecio sina Elena Save­lyeva ng Russia, Hye Song Kim ng Korea, B. Helmir ng Australia, Karolina Michalczuk ng Poland, Csilla Nemedi-Varga ng Hungary at S. Fernandez ng New Zealand.

Show comments