Aparri, Petecio nasa top 10 sa world ranking ng AIBA
MANILA, Philippines - Hindi natatapos ang kampanya ng Pilipinas kung sa women’s boxing ang pag-uusapan.
Nakita ito nang magpalabas ng bagong world ranking ang international federation na AIBA sa hanay ng mga women’s boxers na dalawang Pinay ang nasa talaan na pinakamahusay sa kanilang pinaglalaruang dibisyon.
Sina Alice Kate Aparri at Nesthy Petecio ay kasama sa unang lima sa pinaglalaruang 48kg at 54 kg divisions sa rankings na inilabas ng AIBA nitong Pebrero.
Nasa ikaapat na puwesto sa mundo si Aparri at ikalawa sa Asia habang si Petecio ay nasa ikapito sa mundo at ikalawa rin sa Asia.
Nangunguna sa 48-kilogram ay si Mery Kom ng India habang nasa ikalawa si Duta Steluta ng Romania kasunod ni N Hume ng New Zealand.
Number one naman si Aparri sa Southeast Asia at ang pumapangalawa naman ay si Kyu Thin ng Myanmar.
Nakaungos naman kay Petecio sina Elena Savelyeva ng Russia, Hye Song Kim ng Korea, B. Helmir ng Australia, Karolina Michalczuk ng Poland, Csilla Nemedi-Varga ng Hungary at S. Fernandez ng New Zealand.
- Latest
- Trending