NEW YORK - Natapos na ang mahabang trade talks kay Carmelo Anthony kahapon.
Dinala ng Denver Nuggets si Anthony sa New York Knicks kapalit nina Danilo Gallinari, Raymond Felton, Wilson Chandler, ang 2014 first-round pick, dalawang second-round picks na kanilang nahugot mula sa Golden State Warriors sa David Lee sign-and-trade at $3 million ng Knicks.
Ibinigay rin ng New York sina Anthony Randolph at Eddy Curry, kapwa may expiring contract, sa Minnesota Timberwolves.
Ipinalit ng Timberwolves sa Knicks si Corey Brewer.
Mahuhugot ng New York sina Anthony, Chauncey Billups, Shelden Williams, Renaldo Balkman at Anthony Carter.
“Who wouldn’t want to play in New York?” sabi ni Anthony, ipinanganak sa Brooklyn, noong nakaraang buwan ukol sa rumored trade offers sa kanya. “That’s like the ultimate dream at the end of the day ... Who wouldn’t want to go back home to play?
Inaasahang lalagda si Anthony sa Knicks ng isang three-year, $65 million extension. Ang unang laro ni Anthony para sa Knicks ay sa Miyerkules laban sa Milwaukee Bucks sa Madison Square Garden.
Gusto namang mahablot ng New Jersey Nets sina Felton at Mozgov buhat sa Nuggets para sa draft picks, ngunit sinabi ng Nuggets officials na hindi nila pakakawalan ang naturang mga players na kanilang nahugot sa deal.
Maaring dalhin ng Nets si point guard Devin Harris sa Portland kasama ang expiring contract ni Troy Murphy kapalit nina Andre Miller at Joel Przybilla.
Hindi na pumunta si Anthony sa Nuggets’ practice noong Lunes at nagpaiwan na lang sa Los Angeles matapos ang All-Star Game para lumabas sa Conan O’Brien’s talk show.
“I’m glad its over,” wika ni Nuggets coach George Karl.