^

PSN Palaro

West wagi sa East; 4th MVP ni Bryant

-

LOS  ANGELES--Hindi kumulapso ang NBA West All-Stars sa huling tatlong minuto upang takasan ang East All-Stars, 148-143, dito sa Staples Center.

Pinangunahan ni LeBron James ng Miami Heat ang pagbangon ng East sa fourth quarter matapos magtala ang West ng isang 15-point lead sa likod ni All-Star Most Valuable Player Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.

Nakadikit ang East NBA All-Stars sa 140-142 mula sa basket ni James kasunod ang isang putback ni. L.A. La¬kers Pau Gasol para muling ilayo ang West sa 144-140.

Ang mintis na three-point shot ni Chris Bosh para sa East ang nagresulta sa dalawang freethrows ni Chris Paul sa huling 18.9 segundo upang ibigay sa West ang 146-140 bentahe.

Matapos ang timeout, isinalpak ni Boston guard Ray Allen ang isang fade away three pointer para ilapit muli ang East sa 143-146 bago ang dalawang freethrow ni Kevin Durant para selyuhan ang panalo ng West All-Stars.

Humakot si Bryant ng 37 points, 13 rito ay sa 3rd quarter, at 14 rebounds para sa West na nagbigay sa kanya ng ika-4th na Most Valuable Player trophy.

Nagbida naman para sa East All-Stars si James sa kanyang triple-double na 29 points, 12 rebounds at 10 assists, habang may 29 points si New York Knick  Amare Stoudemire.

 

ALL-STAR MOST VALUABLE PLAYER KOBE BRYANT

AMARE STOUDEMIRE

CHRIS BOSH

CHRIS PAUL

EAST ALL-STARS

KEVIN DURANT

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

MOST VALUABLE PLAYER

WEST ALL-STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with