Magarbong pagsalubong ikinasa ng Maynila

MANILA, Philippines - Katulad ng dapat asahan, isang grand welcome ang naghihintay sa bagong World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Council (WBC) bantamweight champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa kanyang pagbabablik sa PIlipinas mula sa United States.

Isang maikling seremonya at victory motorcade ang inihahanda ng Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Alfredo Lim.

Ang tubong Talibon, Bohol na si Donaire, pinabagsak si Mexican Fernando Montiel sa second round para agawin rito ang WBO at WBC bantamweight belts noong Linggo sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas, Nevada, ang ‘adopted son’ ng Maynila.

Show comments