LOS ANGELES--Nang gawin ni John Wall ang Rookie Challenge sa isang personal playmaking clinic, ang kanyang dating Kentucky teammate at fellow No. 1 pick na si DeMarcus Cousins ay ibinuhos naman ang kanyang kakayahan para sa Rookies.
Nagtala si Wall ng record 22 assists para kunin ang MVP award, samantalang kumolekta naman si Sacramento star Cousins ng 33 points at 14 rebounds para igiya ang rookies sa 148-140 panalo kontra sophomores sa NBA All-Star weekend.
Tumipa si Blake Griffin ng 14 points para sa rookies.
Bago ang laro, tiningnan muna ng Washington guard ang Rookie Challenge’s assists record--17, ni Chris Paul noong 2007--at sinabi kay Cousins na gusto niya itong malampasan.
Umiskor si Wall ng 12 points nang hindi niya binibigyan ng assist ang kanyang mga fellow rookies para sa acrobatic dunks at wide-open jumpers.
Sa harap ng mga batang manonood sa Staples Center’s lower bowl, nagpakita ang rookies at sophomore teams ng kanilang mga alley-oops, breakaway jams at matador defense bago nakalayo ang rookies sa huling mga minuto.
Isang jaw-dropping bounce pass ni Wall kay Griffin ang nagresulta sa isang electrifying dunk ng Los Angeles Clippers forward.
Tumipa naman si Los Angeles native James Harden ng 30 points para sa sophomores, habang si San Antonio Spurs’ DeJuan Blair at nagposte ng 28 points at 15 rebounds.