^

PSN Palaro

Donaire may patutunayan

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Patunayang isa nga si­ya sa mga dapat tinga­lain sa laro ng boxing ang nais na gawin ni Nonito Donaire Jr. sa pag­harap nito ngayon laban kay WBC/WBO bantamweight champion Fernando Montiel ng Mexico sa Mandalay Bay Resort sa Las Vegas.

Marami ang nagsasabing hindi matatapos ang 12-rounds at may ma­tu­tulog sa dalawa dahil pa­rehong may taglay na pa­matay na suntok sina Donaire at Montiel.

Idedepensa ng Mexican champion ang kanyang kam­peonato sa WBC at WBO bantamweight perokahit siya ang kampeon ay nalalagay naman na dehado sa odds dahil si Do­naire ay nasa ikaapat na puwesto sa talaan ng pound for pound ng nirerespetong Ring Magazine.

Maliban ito sa katoto­ha­nang umukit na ng knock­out wins si Donaire sa da­ting sinabing matibay ring mga boxers tulad nina Vic Darchinyan at Vladimir Sidorenko.

Si Darchinyan ay natulog sa ikalimang round noong 2007 para kunin ang IBF flyweight title habang si Sidorenko ay natapos sa ikaapat na round sa huling laban ni Donaire noong Dis­yembre.

“I know a lot of people have said I belong in the pound for pound top five and I should think that way,” wika ni Donaire na mayroong 25-1 panalo-talo karta kasama ang 17 KOs.

Mas beterano naman si Montiel kung laban ang pag-uusapan dahil may 44 panalo sa 48 laban ito kasama ang 34 KOs.

Walang naging proble­ma sa timbang ng dalawang boksingero dahil sa weigh-in na ginanap kahapon ay parehong tumimbang sa eksaktong 118-pounds sina Donaire at Montiel.

Handog ng Top Rank, magpapakitang-gilas din ang isa pang Filipino boxer na si Mark Jason Melligen na sasagupain si Gabriel Martinez ng Mexico.

Ten rounder ang sagupaan sa welterweight division at itataya ni Melligen ang apat na sunod na pa­nalo na naglalagay sa kanya bilang posibleng title contender sa dibisyon.

Ang mga labang ito ay mapapanood ng live sa ABS-CBN mula alas-10 ng umaga.

vuukle comment

DONAIRE

FERNANDO MONTIEL

GABRIEL MARTINEZ

LAS VEGAS

MANDALAY BAY RESORT

MARK JASON MELLIGEN

MONTIEL

NONITO DONAIRE JR.

RING MAGAZINE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with