Rose nagbida sa panalo ng Bulls vs Spurs
CHICAGO--Kinuha ni Derrick Rose ang microphone at pinasalamatan ang kanyang mga fans sa paglalagay sa kanya bilang unang All-Star starter ng Chicago matapos si Michael Jordan noong 1998.
At matapos nito ay ipinakita niyang hindi nagkamali ang kanyang mga fans.
Nagtala si Rose ng career-high 42 points para igiya ang Bulls ssa 109-99 panalo laban sa NBA-leading San Antonio Spurs.
Nagdagdag si Luol Deng ng 19 points kasunod ang 15 ni Carlos Boozer para sa pang apat na sunod na panalo ng Chicago.
May 38-16 win-loss record ngayon ang Bulls.
Muling narinig ni Rose ang mga katagang “M-V-P! M-V-P!” para sa kanya.
Humugot siya ng 13 points sa final period mula sa kanyang mga acrobatic drives at long jumpers laban sa Spurs.
Ang long jumper ni Rose kasabay ng pagtunog ng shot clock sa 3:21 ang nagbigay sa Chicago ng 101-90 lamang laban sa San Antonio. Tumapos rin siya na may 8 assists at 5 rebounds.
Pinangunahan ni Tony Parker ang Spurs sa kanyang 26 points kasunod ang tig-16 nina All-Star Manu Ginobili Sa Phoenix, umiskor si Dirk Nowitzki ng 35 puntos upang banderahan ang Dallas sa pagposte ng 112-106 tagumpay laban sa Suns at ilista ang kanilang 13th panalo mula sa 14th laro.
Gumawa naman si Tyson Chandler ng 12 puntos at 12 rebounds, kabilang ang tip-in may 19 segundo na lang sa tikada.
- Latest
- Trending