^

PSN Palaro

Donaire tiniyak ang panalo kay Montiel via knockout

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kakayahan na manalo sa pama­ma­gitan ng knockout si Nonito Donaire Jr. isang araw bago ha­rapin si Fernando Montiel para sa kanyang WBC/WBO bantamweight titles.

Ang laban na itinaguriang “Ang Pagtutuos” ay gaga­win sa Mandalay Bay Resorts and Casino at pilit na pa­ngangatawanan ng “The Filipino Flush” ang kanyang pa­giging paborito sa nagdedepensang kampeon na si Montiel.

“I want to knockout Montiel,” wika ni Donaire na nais na makuha ang ikalawang lehitimong titulo matapos ma­pagharian ang IBF flyweight title noong 2007.

Paniwala rin ni Donaire na magiging maaksyon ang sagupaan dahil gaya niya ay gusto rin siyang patumbahin ni Montiel na kampeon ng bantamweight sapul pa noong Marso 28, 2009 nang manalo kay Diego Oscar Silva.

“It’s going to be such a good fight because we want to tear each other’s head,” dagdag pa ni Donaire na nag­sanay nang husto sa ilalim ni trainer Robert Garcia.

Ang mainit na aksyon ay hindi makakalagpas sa mga mahihilig sa boksing sa bansa dahil ipapalabas ito sa ABS-CBN Channel 2 mula ika-10:15 ng umaga.

Tinaguriang ‘Ang Pagtutuos’, si Montiel ay papasok sa laban tangan ang 44 panalo, 2 tabla at 2 talo habang may 25-1 panalo talo karta si Donaire.

Maliban kay Donaire ay sasalang din si Mark Jason Melligen sa aksyon laban kay Gabriel Martinez ng Mexico at nais ng dating pambato ng amateur boxing na madugtungan ang apat na panalo na nailista mula 2010 kapag ang laban ay ginaganap sa Las Vegas.

Magkakaroon naman ng replay ang nasabing bo­xing event na handog ng Top Rank sa gabi sa Studio 23 ganap na alas-9 ng gabi.

ANG PAGTUTUOS

DIEGO OSCAR SILVA

DONAIRE

DONAIRE JR.

FERNANDO MONTIEL

FILIPINO FLUSH

GABRIEL MARTINEZ

LAS VEGAS

MONTIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with