MANILA, Philippines - Sa kabila ng tsismis na ayaw na siyang makita ni Canadian adviser Michael Koncz, patuloy pa ring kikilos si Alex Ariza bilang strength and conditioning coach ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.
Ayon kay Ariza, hindi na niya iniintindi ang pagkainis sa kanya ni Koncz at sa halip ay tututukan ang paghahanda ni Pacquiao laban kay Sugar Shane Mosley.
Hindi rin inaasahan ng Columbian native na kikilos si Pacquiao kagaya ng ginawa nito kay Mexican Antonio Margarito noong Nobyembre ng 2010.
Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Si Ariza ang tumayong strength and conditioning coach ni trainer Freddie Roch para sa 32-anyos na si Pacquiao simula noong Marso ng 2008 kung saan tinalo ng Sarangani Congressman si Mexican Juan Manuel Marquez via split decision para sa hawak ng huling World Boxing Council (WBC) super featherweight belt.