^

PSN Palaro

Ariza patuloy pa ring gagabayan si Pacman

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng tsismis na ayaw na siyang makita ni Ca­nadian adviser Michael Koncz, patuloy pa ring ki­ki­los si Alex Ariza bilang strength and conditioning coach ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.

Ayon kay Ariza, hindi na niya iniintindi ang pagka­inis sa kanya ni Koncz at sa halip ay tututukan ang pag­hahanda ni Pacquiao la­ban kay Sugar Shane Mos­ley.

Hindi rin inaasahan ng Columbian native na kikilos si Pacquiao kagaya ng gi­nawa nito kay Mexican Antonio Margarito noong Nobyembre ng 2010.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Si Ariza ang tumayong strength and conditioning coach ni trainer Freddie Roch para sa 32-anyos na si Pacquiao simula noong Marso ng 2008 kung saan tinalo ng Sarangani Congressman si Mexican Juan Manuel Marquez via split decision para sa hawak ng huling World Boxing Council (WBC) super featherweight belt.

ALEX ARIZA

FREDDIE ROCH

LAS VEGAS

MEXICAN ANTONIO MARGARITO

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

MICHAEL KONCZ

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

SHY

SI ARIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with