^

PSN Palaro

Patriots pipiliting itabla ang serye

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Huwag mapahiya sa sa­riling tahanan ang isa sa magtutulak sa Philippine Patriots upang ilabas ang pinakamabangis na paglalaro sa pagharap uli sa Chang Thailand Slammers ngayon sa Game Two ng AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) Season II sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ganap na alas-4 ng ha­pon itinakda ang laban at sisikapin ng Patriots na makuha ang mahalagang panalo upang manatili ring buhay ang hangaring maidepensa pa ang hawak na titulo sa regional basketball league.

“Our tradition is at stake here. We have to play with lots of passion,” wika ni coach Louie Alas.

Nakauna ang Slammers, 66-58, nang kunin ang Game One na nilaro sa Bangkok noong nakaraang Linggo.

Sa pangunguna ni Jason Dixon at mga local pla­yers na sina Filipino im­ports Froilan Baguion at Ardy Larong ay nakahu­lagpos ang Slammers sa Patriots ng mas mainit ang larong ipinakita nila sa hu­ling yugto.

Kampante si Alas na matatapatan nina Steve Thomas at Gabe Freeman ang produksyon nina Dixon at Chris Kuete kaya’t ang hamon ay nakaumang sa mga locals tulad nina Er­nesto Billones, Jun Jun Cabatu at Benedict Fernan­dez na malamya ang ipinakita sa labanan.

Si Billones na kamador ng Patriots ay nagtala la­mang ng pitong puntos ha­bang ang kilalang scorers na sina Cabatu at Fernandez ay hindi nakaiskor sa 40-minutong labanan.

“Pagkakataon nilang bumawi ngayon at ipakitang karapat-dapat sila na masama sa Patriots,” dagdag pa ni Alas.

Maliban sa paglatag ng matibay na depensa bukod sa pagkakaroon ng magandang shooting, maitataas pa ng Patriots ang moral kung masusuportahan ng mga manonood.

“I still believe we have the best local players in this league. I just hope the Filipino basketball fans will come out and cheer the Patriots,” pahayag naman ni Mikee Romero na kasama si Tony Boy Cojuangco ang co-owners ng koponan.

Kung manalo ay maita­tak­da ang deciding Game Three na gagawin sa Bangkok sa Pebrero 27.

vuukle comment

ARDY LARONG

BENEDICT FERNAN

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS KUETE

FROILAN BAGUION

GABE FREEMAN

GAME THREE

GAME TWO

JASON DIXON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with