^

PSN Palaro

Pacquiao liyamado!: 7-1 sa pustahan kontra Mosley

-

HOLLYWOOD--Alam ni Shane Mosley na mas mahusay siya kesa sa lumalabas na mga fights odds.

Isang 7-to-1 underdog, patutunayan ng three-division world champion na mali ang mga oddsmakers sa kanyang pakikipagharap kay Manny Pacquiao sa Mayo 7.

Sa susunod na dalawang linggo, sisimulan na ni Mosley ang paghahan­da para sa kanilang banggaan ni Pacquiao sa inaasahang sellout crowd sa MGM Grand. Sinabi niyang walong linggo siyang magsasanay sa Big Bear sa California.

Inaasahan rin ni Mosley na papabor sa kanya ng kaunti ang odds o mga oddsmakers.

“It should be somewhere near even,” sabi ni Mosley, nakitang pipilay-pi­lay sa isang binti, sa na­­­karaang press tour na su­makop sa apat na key cities sa loob ng anim na araw.

Ngunit ang kanyang edad, magiging 40-anyos siya sa Setyembre, ang nag­bagsak sa kanya sa betting lines, o ang kanyang pagkatalo kay Floyd Mayweather, Jr. at draw kay Sergio Mora sa kanyang nakaraang dalawang laban.

Maaari ring ang hindi niya paglaban sa nakaraang walong buwan.

Si Pacquiao, sa kabilang banda, ay lalo pang gumagaling kung saan hin­di pa siya natatalo sa na­karaang limang taon.

Ngunit kumpiyansa pa rin si Mosley na siya ang ma­nanalo.

Kahapon, si Mosley ay +425 underdog at si Pacquiao ay isang -625 favo­rite, nangangahulungang kailangan mo ng $625 para manalo ng hundred bucks. Para kay Mosley, ang $100 ay mananalo ng $425.

“But I’m not a betting man. I don’t like to bet,” wika niya.

“I’m going to make sure I won’t be in the losing end of that stick,” dagdag pa nito.

vuukle comment

BIG BEAR

BUT I

FLOYD MAYWEATHER

MOSLEY

NGUNIT

PACQUIAO

SERGIO MORA

SHANE MOSLEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with