Peping pumagitna na sa sigalot ng ICFP, Philcycling
MANILA, Philippines - Para tuluyan nang makapagpadala ng koponan sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre ay papipirmahin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang PhilCycling at ang Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) sa isang kasunduan.
Ito ang inihayag kahapon ni POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. sa kanyang plano para kina PhilCycling at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino at ICFP chief Philip Ella Juico.
“I would ask them to sign a contract to ensure that there would be no problems in Indonesia,” wika ni Cojuangco kina Tolentino at Juico.
Matatandaang walang ibinigay na lisensya ang PhilCycling sa national team na lalahok sana sa nakaraang 2009 SEA Games sa Laos dahilan sa sigalot ni Tolentino kay Cojuangco.
Bagamat ang PhilCycling at si Tolentino ang kinilala ng Union Cycliste International (UCI), hindi pa rin binigyan ni Cojuangco ng basbas ang naturang grupo.
- Latest
- Trending