Laylo sumampa sa three-way tie para sa liderato sa Moscow chessfest
MOSCOW, Russia--Tinalo ni Filipino GM Darwin Laylo si GM Alexei Gavrilov ng Russia sa mahalagang final round at makasalo sa isang three-way tie para sa top spot kasama sina GM Tigran Kotanjian at GM Nikolai Kabanov ng Russia sa 2011 Aeroflot Open Group B chess championships dito sa Hotel Gamma-Delta.
Ang 30-anyos na si Laylo ang nagdala sa kampanya ng bansa matapos umatras si GM Wesley So bukod pa ang tatlong sunod na kabiguan ni GM John Paul Gomez.
Tumapos si Laylo na katabla sina Kotanjian at Kabanov, nag-draw sa kanilang laro, sa first place.
Ngunit matapos ang tiebreak system, lumabas na first place si Kotanjian kasunod sina Laylo at Buchholz sa naturang nine-round competition na nilahukan ng 106 players mula sa 25 countries.
Pinaghatian nina Kotanjian, Laylo at Kabanov ang premyong 19,500 euro para sa first three placers base sa Hort system.
Nakipag-draw naman si GM-candidate Richard Bitoon kay GM Zhao Xue ng China at lumabas na second-highest placed Filipino player sa kanyang 5.5 points. Si Bitoon, miyembro ng Philippine team sa 2010 World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia, ay tumabla sa 13th hanggang 28th places sa kanyang 5.5 points.
Tumabla naman sina 2011 Moscow Open runner-up IM Oliver Barbosa at Gomez sa 29 th hanggang 47th places sa magkatulad nilang 5.0 points, habang si IM Oliver Dimakiling ay dumikit sa 48th hanggang 61st places sa kanyang 4.5 points.
- Latest
- Trending