^

PSN Palaro

6 lang sa Azkals ang puwede sa 26th SEAG

- Joey Villar -

MANILA, Philippines - Sa kasalukuyang Azkals team, anim lang ang eligi­ble na makakalaro sa 26th South­­east Asian Games na nakataklda sa Nov. 11-25 sa Jakarta, Indonesia.

Ito’y dahil 23-gulang o mas bata pa ang pinahihintulutan sa SEA Games na makalaro.

Ang mga makalalaro sa SEA Games ay ang 21-gulang na si Etheridge, lumalaro para sa Fulham sa English Premier League, 21-gulang na si Greatwich, kabilang sa Hartwick Hawks sa college, 20-gulang na si midfield Jason de Jong, 21-gulang na si defense Da­vid Basa at Fil-Germans 19-year-old Mark Drinkuth at 18-year-old Manuel Ott.

Ang ibang bubuo sa team ay pupunuan ng PFF pagkatapos ng regional Un­der-23 tournament kung saan ang best players mula Luzon, Visayas at Mindanao ay maglalaban-laban.

Hindi pa alam kung sino ang magiging team captain ng Azkals para sa SEAG.

Sina Fil-Brits Neil goalie Etheridge at midfield Simon Greatwich ang mga kan­didato. Ngunit para sa ka­salukuyang team captain na si Aly Borromeo at mana­ger Dan Palami walang si­gurado kina Etheridge at Greatwich, bahagi ng RP squad na tumalo sa Blue Wolves ng Mongolia, 2-0, sa kanilang AFC Challenge Cup duel noong Feb. 9.

“They’re (Etheridge at Greatwich) both capable but we’ll see what happens when we already form the team,” sabi ni Palami sa pagbisita ng ilang miyembro ng Azkals at Philippine Football Federation officials sa opisina ng Phil. Star kama­kalawa.

ALY BORROMEO

ASIAN GAMES

AZKALS

BLUE WOLVES

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

ENGLISH PREMIER LEAGUE

ETHERIDGE

GREATWICH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with