Coca-Cola major presentor ng PSA Awards Nights
MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon, muling magtatambal ang Coca-Cola Philippines at ang Philippine Sportswriters Association (PSA) sa pagpaparangal sa mga top achievers ng taong 2010.
Muling pinagtibay ng leading beverage company sa bansa ang pagiging major presentor ng traditional Annual Awards Night sa Marso 5 sa Manila Hotel.
Sina JB Baylon, ang Powerade Tigers Governor sa Philippine Basketball Association (PBA) Board at VP for Public Affairs and Communication ng Coca-Cola Philippines, at PSA president Teddyvic Melendres ng Philippine Daily Inquirer ay pormal na nilagdaan ang kanilang tambalan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MoA) sa Makati Shangri-la hotel.
Ang Coca-Cola Philippines ay ang naging leading backer ng PSA sa nakaraan Annual Awards Night.
Ang PSA, binubuo ng mga editors at sportswriters mula sa iba’t ibang national broadsheets at tabloids, ay pinasalamatan naman ang kanilang corporate partner.
Kamakailan lamang ay sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na hihingin niya ang tulong ng naturang corporation para sa pagbuhay sa youth football program kagaya ng Coke Go-For-Goal.
Ang nasabing two-hour glittery rite, inihahandog rin ng Philippine Sports Commission (PSC), San Miguel Corporation, Harbour Centre, ICTSI, Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR), Accel, Nihao Mineral Resources International Inc., at Samsung, ay magtatampok kina billiards Hall of Famer Francisco `Django’ Bustamante at Guangzhou Asian Games gold medal winners Dennis Orcollo (billiards), Rey Saludar (boxing) and Biboy Rivera (bowling) bilang 2010 Athlete of the Year awardee. Artemio Murakami, Cyna Rodriguez, Mia Piccio, SMART Sports, ICTSI , Triathlon Association of the Philippines (TRAP), Philippine Taekwondo Association (PTA), Milo Marathon, Araw ng Kagitingan Ultra Marathon at Jerick Ternida.
- Latest
- Trending