^

PSN Palaro

2011 Seasports festival itinakda sa Marso

-

MANILA, Philippines - Mga pangunahing atleta ng bansa ang magtatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng 2011 Manila Bay Sea­sports Festival sa Marso 12-13.

Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Pasay, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay susukat ng galing at lakas sa pagsagwan ng mga dragon boat, gayundin sa pangangarera ng mga bangkang de-motor. Sa taong ito, magkakaroon din ng exhibition ng jetski.

Mahigit kalahating milyon ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, na gaga­na­pin sa bandang Baywalk ng Roxas Boulevard kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturang atletang dagat mula sa ibat-ibang sulok ng kapuluan. 

Ang Seasports Festival ay suportado rin ng Smart Communications, Caltex, Gold Eagle Beer, Revicon Forte, Zesto, Filinvest, NutriCee, M. Lhuillier, Choco Quick, Wings Detergent, Briggs and Stratton, at Cord Marine Epoxy.

ANG SEASPORTS FESTIVAL

BRIGGS AND STRATTON

CHOCO QUICK

CORD MARINE EPOXY

GOLD EAGLE BEER

MANILA BAY SEA

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

PHILIPPINE COAST GUARD

REVICON FORTE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with