Pacquiao dinumog sa Washington
WASHINGTON D.C. - Parang ikalawang tahanan na ni Manny Pacquiao, ang world’s greatest boxer, ang nation’s capital.
“Welcome to my crib (home),” sambit ni Pacquiao habang paparating ang sinasakyan nilang tren sa New York City sa historic Union Station dito ng alas-7 ng gabi.
Ito ang unang pagkakataon na nakarating ang fighting Congressman sa Washington, isang lugar na naririnig at napapanood lamang niya sa TV.
Ngunit lahat ng tao rito ay kilala siya.
Ito ang eksena sa nakaraang limang araw para sa kanilang press tour ni Sugar Shane Mosley para sa kanilang laban na nakatakda sa Mayo 7.
Kitang-kita si Pacquiao kahit na napapaligiran siya ng mga tao ng Top Rank at media na binigyan ng special passes, orange wristbands, para sa three-hour ride mula sa Big Apple.
Nakasuot si Pacquiao ng brown overcoat at isang Bruce Lee hairdo, habang katabi ang kanyang asawang si Jinkee sa harap ng mga camera sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Nagsalo sila sa isang intimate dinner kasama si chief adviser, Mike Koncz at asawa nitong si Racquel sa isang fancy restaurant dito.
“Manny Pacquiao! Manny Pacquiao! You’re the greatest boxer ever!” wika ng isang female fan, tila isang Mexican, sa train station habang inaabot ang kamay ni Pacquiao.
“Go Manny! Go knock him out!” sigaw naman ng isang male fan, na mukhang American, kahit na lalabanan ni Pacquiao ang isa ring American, si Shane Mosley.
“We will have a picture taken with the President,” sabi ni Pacquiao sa inaasahan niyang meeting kay President Barack Obama sa White House sa Martes. Kung walang mababago, ang naturang highly-awaited meeting ay mangyayari sa hapon matapos mamasyal si Pacquiao para makausap si U.S. Senate Majority Flood Leader Harry Reid.
Kung makakausap niya ang US President, siya lamang ang ikalawang Filipino athlete na makakagawa nito sa White House matapos si legendary golfer Celestino Tugot na dinalaw si President Dwight Eisenhower noong 1954.
- Latest
- Trending