WASHINGTON D.C. - Tila ang chief trainer ni Shane Mosley ay nagtatrabaho para kay Manny Pacquiao.
Lahat ng magagandang salita ay sinabi ni Naazim Richardson, nakakita kay Antonio Margarito sa illegal handwraps nito bago ang laban kay Mosley noong 2009, para kay Pacquiao.
At iisipin mong siya ang publicist ng Pinoy superstar.
“If you don’t like Manny Pacquiao, then it’s something personal. He hit your car, he stole your girlfriend, it’s something personal. If you like boxing, you must like Manny Pacquiao,” wika ni Richardson.
Nagbiyahe ang American trainer mula Europe para sa press conference kahapon sa Chelsea Pier sa New York.
Sinabi niyang pinakamagaling na atleta si Pacquiao, ito man ay sa loob at labas ng boxing ring.
“Because everything you want to see in boxing, he brings to the table. Everything you don’t want to see, he doesn’t have. None of the negatives. He’s not bragadocious. He’s very talented. He’s very dedicated.”
Ngunit sinabi ni Richardson, sinasanay rin si Bernard Hopkins, na may gustong patunayan si Mosley sa kanyang laban kay Pacquiao.
“There are still some questions asked about Shane Mosley because he’s an older fighter now. So, some performances haven’t even been to par. These questions asked we have to fully answer in the ring,” sabi niya.
Si Mosley, bagamat nasaktan na ay hindi pa napapabagsak sa kanyang mga nakaraang laban.
Ayon sa pambato ng Pomona sa California, matatapos ang kanilang laban ni Pacquiao sa pamamagitan ng knockout.
“You pretty much forget what color the ring card number twelve’s hair is. Because more likely you’re not gonna see that. This is the way these guys are. That’s what they bring to the table,” wika naman ni Richardson.
“If you don’t like to see these two fighters in the ring, then you don’t like boxing.