NEW YORK--Walang tinatawag na ‘bad guy’ sa kanilang laban. Hindi si Manny Pacquiao. Hindi si Shane Mosley.
“I find him too kind. Mabait siya,” sabi ng Filipino champion sa kanyang elegant suite sa Leows Regency Hotel dito sa Park Avenue.
“He could be the kindest of all those I’ve ever fought. I hope everybody’s like him. Unlike the others. But I won’t name names,” dagdag pa ni Pacquiao sa 39-anyos na si Mosley na kanyang makakasagupa sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“Shane has always been a good guy,” sabi naman ng chief adviser niyang si Michael Koncz.
Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi magbubugbugan sina Pacquiao at Mosley sa gabi ng kanilang salpukan.
“We have a job to do in the ring. We have a commitment to the fans to give our best and entertain them and make them happy,” wika ni Pacquiao.
Kumuha si Pacquiao ng isang late-afternoon flight mula Las Vegas at dumating dito ganap na alas-10 ng gabi. Kasama niya ang kanyang asawang si Jinkee at anim pang kasamahan diretso sa hotel.
At ang unang ginawa ni Pacquiao ay hubarin ang kanyang sapatos at tumugtog sa isang baby grand piano sa kanyang suite. Kumanta siya ng ilang awitin, kasama na rito ang “One Friend” ni Dan Seals.
“I like this song,” wika niya.
Ang hapunan ni Pacquiao ay chicken, steak at crab meat.
“Ive met his family. And they’re all nice. Educated people,” ani Pacquiao kay Mosley.