Cone kumpiyansa kay Williams; Llamados import delikado
MANILA, Philippines - Gusto man nilang iparada si Eddie Basden ay hindi ito nakapasa sa 6-foot-4 height requirement para sa 2010-2011 PBA Commissioner’s Cup.
Ngunit sinabi naman ni Alaska head coach Tim Cone na magugustuhan rin ng kanilang mga fans si Larry Demetrius “LD” Williams bilang kapalit ni Basden.
“Our import seems a good fit so far. We are pleased,” wika ni Cone kay Williams. “I’m sorry to see Eddie Basden go. He was a real pro. But fans are going to love LD. He has incredible hops.”
Magbubukas ng nasabing import-laced tournament sa Pebrero 18 sa Laoag City.
Itatampok rito ang bang-gaan ng Barangay Ginebra at Meralco.
Unang makakatapat naman ng Aces ni Cone ang Powerade Tigers ni Bo Perasol sa Pebrero 23 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“Larry’s better than just a lucky charm. Larry is simply just good. His teams win because he contributes mightily. I love him,” wika ni Cone kay Williams.
Si Williams ay isang four-year starter para sa Wake Forest at naging pang lima sa all-time career starts sa bilang na 118.
Ang tubong Yadkinville, North Carolina ay naging team captain sa loob ng tatlong taon para sa Wake Forest at dalawang beses na kinilala bilang ACC All-Defensive Team member noong 2009 at 2010.
Tumapos siya na may 1,005 career points at 136 career steals – No. 11 sa all-time Wake Forest list.
Naging fourth-placer si Williams sa 2010 College Slam Dunk Contest.
Samantala, kung papasa sa height limit ay posibleng ipalit ng Derby Ace si Shamari Spears kay Robert Brown.
Si Spears, tinanggal ng Charlotte 49ers team noong Disyembre dahil sa kanilang away ni first-year coach Alan Major, ay nasukatan bilang isang 6’6 sa kanyang varsity annual.
Nagposte si Spears ng mga averages na 17 points, 3.2 rebounds at 0.6 assists at may 47.2 shooting percentage sa kanyang limang laro para sa 49ers.
Si Spears na tubong Salisbury, North Carolina ay lumipat sa Charlotte mula sa Boston College at naglista ng mga averages na 16.0 points per game at napabilang sa all-Atlantic 10 third team.
- Latest
- Trending