^

PSN Palaro

Susunod na laban ni Pacquiao kasado na

- Abac Cordero -

LAS VEGAS - Hindi bi­na­balewala ni Bob Arum si Shane Mosley.

Ngunit kahapon sa MGM Grand, sinabi ng le­gendary promoter sa ilang miyembro ng media na iti­nakda na niya ang su­su­nod na laban ni Manny Pacquiao sa Nobyembre.

Ang venue, ayon kay Arum, ay depende kung si­no ang susunod na ma­kakalaban ni Pacquiao.

Kabilang sa kanyang mga sinabi ay sina Floyd Mayweather, Jr., Juan Ma­nuel Marquez at Andre Berto.

“Floyd is still our number one priority,” wika ni Arum, sa nasabing undefeated American.

“We want to find out if he’s available or what his legal status is. Right now I have no idea,” dagdag pa ng promoter kay Mayweather na nahaharap sa mga kasong assault, larceny hanggang sa felony.

Nagkita sina Arum at Mayweather sa Super Bowl sa Denver at magkasamang nakunan ng litrato.

Ngunit sinabi ng Top Rank chief na hindi nila na­pag-usapan ang boxing.

“If it’s Floyd, then certainly it’s Vegas,” sabi ni Arum. “But if it’s Marquez, we might go somewhere else.”

Maaaring ikunsidera ni Arum na venue sa susunod na laban ni Pacquiao ang Abu Dahbi.

Nasa listahan rin ni Arum ang Singapore at Tok­yo.

“We’ll see,” sambit ni Arum.

Kung sinuman ang ma­kakalaban ni Pacquiao, nilinaw ni Arum na ito ay gagawin sa 147 pound division.

Ito ay kung mananalo si Pacquiao kay Mosley sa Mayo 7.

“From now on Manny is going to fight at 147. He is the welterweight champion and he will defend that title. Anybody who wants to fight Manny should fight him at 147,” ani Arum.

“Nothing less,” dagdag pa nito.

ABU DAHBI

ANDRE BERTO

ARUM

BOB ARUM

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with