Heat nasolo ang liderato sa East

AUBURN HILLS, Michigan--Nasolo ng mainit na Miami Heat ang liderato sa Eastern Conference matapos igupo ang Detroit Pistons, 106-92.

Umiskor si Dwyane Wade ng 24 points, habang nag­dagdag naman si LeBron James ng 16 points at 10 assists para sa Heat na nasa isang eight-game winning streak ngayon.

Pinangunahan naman ni Austin Daye ang Pistons sa kanyang 18 points.

Sa New York, tumipa si Kobe Bryant ng 33 points upang tulungan ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 113-96 panalo kontra New York Knicks.

Humugot si Bryant ng 19 points sa first quarter at humakot ng 10 rebounds sa kabila ng paglalaro sa loob ng 29 minuto para sa Lakers.

Sa Philadelphia, itinakas ng Philadelphia 76ers ang isang 77-71 panalo laban sa NBA-leading San Antonio Spurs sa kabila ng malamyang fieldgoal shooting.

Nagtala si Jrue Holiday ng 27 points para sa 76ers, tinalo ang Spurs sa ikaapat na sunod na pagkakataon sa Philadelphia. 

Show comments